Carrier para sa Newborn: Tula FTG or Lillebaby

Nalilito ka din ba alin sa dalawa? Dahil may kamahalan ang carrier, matagal tagal ko pinag-isipan alin sa dalawa ang bibilhin ko, dahil isa lang naman ang balak ko bilhin.

You can check the video review sa

Heto ang ilan sa mga pwedeng carrier from Newborn:

Wraps, Ring Slings, Mei Tais, at Soft Structured Carrier without infant insert (Tula Free to Grow, Lillebaby, Lennyup)

Una kong sinubukan ang wrap. Saya Wrap, 900+php. Maganda siya, pero hindi nagamit ni baby. Nahirapan ako isuot mag-isa, umiiyak si baby palagi, at pag umiyak na, pahirapan ulit bago ko siya mailabas sa carrier. Pero maganda quality, at abot kaya!

Dahil sa hinahanap ko ay madaling isuot at tanggalin, nag SSC kami ni baby. Ang pinagpilian ko ay ang Lillebaby at Tula FTG.

Mga hinahanap ko sa carrier:

  • SSC or Soft structured Carrier
  • Dahil pricey sya, gusto ko sana worth it na pang Newborn to Toddler na carrier na.
  • Makapal waistband and shoulder straps, dahil may backbone problem ako.

Heto ang masasabi ko sa dalawang carrier. Hindi po ako expert, personal opinion at experience po ito. 😁👍🏼

Tula Free To Grow- Soar (7lbs – 45lbs)

Store: Online – CEO Emporium (ceoemporium.com) Price: 8500php (+200php shipping fee)

IMG_2654
picture nung brand new

Sobrang excited ako nung natanggap ko package!

Pros:

  • Maganda yung texture ng tela, (twill) malambot sya. Buong carrier ang print pati sa likod.
  • Madali iadjust at makapal ang shoulder strap at waistband.
  • Komportable at hindi masakit sa likod at balikat. Sobrang ganda ng pagkakayakap kay baby ng panel malambot, kaya laging tulog si baby. Madali isuot kahit magisa. 👍🏼
  • Maganda din sa kanya yung naaadjust mo siya sa laki ni baby. Adjustable yung panel sa may waistband at sa may shoulder strap
LRG_DSC00796
back print
LRG_DSC00789
adjustable snaps for newborn-todldler
LRG_DSC00792
waistband buckles

Cons:

  • Dahil bago pa lang ito sa market, limited pa yung designs, lalo na para sa baby boy.
  • Medyo madikit mga snap buttons na minsan mahirap tanggalin kapag isang kamay lang.
  • Dahil hindi nakatahi ng buo ang waistband sa panel, nung nag five months na si baby, bumibigay na ang waistband. Nadedeform yung part sa harapan kahit na hindi pang araw araw na gamit, walk lang sa labas mga three times a week. Pero, okay pa din naman performance. Personally di ko siya irerecommend kung balak ninyo gamitin para sa toddler ninyo at sa baby at the same time.
LRG_DSC00786
Nadeform na waistband

LRG_DSC00787

Overall sobrang happy naman ako sa Tula FTG. Madalas namin gamitin ni baby lalo na nung 2-4 months pa lang siya kasi perfect fit sa kanya. Naadjust kasi ayon sa laki ni baby.

IMG_1824

Lillebaby Complete 6 in 1 All Seasons- Of The Same Stripe (7lbs – 45lbs)

Store: Online – Lillebaby.com Price: 150$ (+25$ shipping fee) Around 8750php depende sa palitan.

LRG_DSC00749LRG_DSC00745

Nabili ko lang sya ng 6300php during Black Friday sale! May kasama pang May Baby Book. Abang abang lang ng sale palagi! Again, super excited ako!

Pros:

  • Madaming design na pwede pagpilian
  • Gustong gusto ko ang pagyakap sa katawan ng waistband at napakakomportable.
  • Madaming features ang lillebaby carrier, aside from hood: may extra torso, lumbar support, at adjustable yung shoulder strap nia back and front.
LRG_DSC00757
lumbar support

LRG_DSC00758

LRG_DSC00754
extra torso
LRG_DSC00756
mesh panel
  • Malambot ung tela at may option na pwedeng mesh type, pag mainit panahon.
  • Para sakin, nakadagdag ng interest ko sa lillebaby yung option nito na pwedeng naka front facing si baby na di pwede sa Tula. Pero hindi ito safe for baby.
  • Madami ang nagsasabi na bulky, pero para sakin, sakto ang size niya. Depende siguro sa built ng katawan ng magsusuot.

Cons:

  • Yung extra torso niya sakto lang sa ulo ni baby. Kapag nakataas ito, hindi na masyado makagalaw ulo ni baby at wala na siya masyadong makitang view kaya tendency niya maglikot. Pag naman nakafold, masyadong mababa naman. (baka mali lang ako ng pagsuot 😁)
  • Sobrang daming inaayos at inaadjust dahil sa sobrang daming features! hehe! Pwede mo naman alisin yung iba, tulad ng lumbar support, or yung hood. 🙂
LRG_DSC00782
action shot extra torso folded

Overall, sobrang nagustuhan ko din Lillebaby. Madami syang function at ang ganda din ng design. For me, hindi sya bulky at komportable yung waistband niya.

LRG_DSC00776

Sa totoo lang pareho silang maganda. Walang talo!

Para sakin, sa kabuuan, kung papipiliin ako ng isa lang, according sa list ko ng criteria sa hinahanap kong carrier, Lillebaby ang pasado! (for me😊)

Pero kung sa snug fit talaga, Tula pa din. Yung FTG lang kasi hindi pangmatagalan for me. Kung plano mo bumili as early as newborn, okay ang FTG kasi pwede mo iadjust sa kung gano kalaki si baby. Pagdating ng five months, pwede mo na siya idestash at bili ulit ng bagong carrier. Pwedeng Tula Standard, Lillebaby or mas madami ka na pwedeng mapiling SSC by that age ni baby.

I hope nakatulong mommy! or daddy na din! 😊👍🏼 Apir!

Published by Mommy Jen

Minimalist, practical, always Keeping the Faith, Loves nature, travel and Family!

3 thoughts on “Carrier para sa Newborn: Tula FTG or Lillebaby

    1. hi Lalaine! thank you!! Im so glad you like it too!! yan din nagustuhan ko sa design, and yung color niya madali ibagay sa kahit anong color ng suot na damit! ☺️ thank you again!! ❤️

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: