Club Balai Isabel Vacation with 9 Months Old Baby

Summer time! First vacation namin kasama si baby. 9 months old na siya at medyo nahirapan na kami sa eroplano. Although 2hours flight lang naman from Macau. Pero ngayon kasi mas nagmamasid na sya sa paligid at malikot na!

Since sa Tagaytay kami stay pinakamalapit na resort with beach ayon kay waze ay ang Club Balai Isabel, which is true dahil 20minutes drive lang!

658E78AB-4711-4D7B-8D29-0C3033FBA05C

F0DD1961-5971-4780-806D-9ECA42EE802D.jpeg

Nagcheck ako online how much rate nila and around 3k ang over night stay. Pero naisip namin na magwalk in na lang para dun na lang kami magbayad.

Pagdating namin pumunta kami straight sa reception and may nag-assist naman sa amin.

445133CF-5ABF-4FF7-93D0-D2C51C9757A4

Naginquire kami ng room rate and sobrang laki ng difference pag online. May additional pa per person. Ginawa namin, nagbook kami online on the spot. Kaya tip ko po, as per our experience, mas makaka save kayo if online ang booking compare sa walk in.

Take note: Check in time is 2:00 PM

Dumating kami ng mga 12:30PM at dahil may kasama kami baby nagtanong kami if pwede kami mag early check in, pero hindi daw pwede. Kaya expect niyo na pag maaga kayo dumating, na maghihintay pa din ng 2:00 PM.

Tumambay kami sa mga tables nila near the lake with the view of Taal volcano.

A3CDFD3D-0D44-4251-9C10-3FAF6312FCE51E913950-E86A-4E5D-80E5-867915AF6830

Breathtaking talaga ang view dahil sa tapat sya mismo ng taal volcano. Habang naghihintay, naglunch na din kami sa Restaurant nila.

5F227547-0E81-465F-8410-A39FC07E64BC

May outdoor and indoor ang Terrazza Restaurant. Parehong may view ng pool at Taal.

F3E7F439-5005-4E81-8DA2-C7F7F9F917EDADC88602-50C2-4ECD-B94E-CC3FDD286EC146118628-4D10-4603-9227-500E01EA47D5

Masarap food nila, at friendly mga staff. Kaya lang pag may tinanong ka sa kanila, tinatawag pa nila yung isa pa nilang kasamahan para masagot kahit simpleng tanong lang namin na kung “may Lomi Batangas ba sila”. (Siguro bago lang staff)

Inorder namin, pinakbet, tawilis, pork sisig and laing. Masarap naman at hindi kamahalan.

We received a call from receptionist, time to check in!

According sa receptionist, ask daw namin ang guard kung saan yung building namin. Nagtanong kami sa guard at ang sagot niya ay hindi niya daw alam. 😦 Well ginamit na lang namin yung map.

Binook namin dalawang De luxe Room with View.

FA68C7B1-CEE3-48C0-9987-E330C6C2DAE27511331A-439E-48AE-A2EA-F6EF66580B9F844C73EC-F19E-45E3-9259-3B052FBF647A

Amazing!

Malaki at malinis ang mga rooms. May kitchen, refrigerator, TV, and closet. May complimentary water and coffee. May towels na din pero walang soap and shampoo, kaya don’t forget to bring your own. Room is good for 2pax, pero sa size niya kasya ang 4-6 pax, kaya lang additional payment per person, na halos kapresyo na din ng another room. Mas okay pa na kumuha na lang ng bagong room if more than 4 persons kayo.

Nagumpisa kami magswimming around 4PM and watch ng sunset..

82BA1494-A588-4BDC-84DB-882C701B55DA

Nagswimming lang kami sa pool, dahil sa hindi masyado malinis ang lake. Baby loves it! Make sure to bring baby diaper na pang swimming, although hindi rin naman masyado mahigpit sa dresscode para na lang din sa ibang naliligo. 🙂

For dinner, may dala kami bucket of chicken and ordered Pizza sa Restaurant nila. We love it! Pizza nila is simple and fresh!

 

D3684D59-ECEB-465C-B65D-F33F8B5F8A4D

Day 2

Gumising kami maaga for sunrise and breakfast.

4714E368-358A-4806-95DF-E4F05DA9DDFBAC0DF27E-2F7D-4835-8835-5F21D14DD7DD9F3FA89D-8E0F-4597-9A8B-18AC39C186FF

Breakfast is included sa booking namin online, hindi nga lang sya buffet, pipili ka lang from their menu. Drinks is included na.

Again we asked questions and hindi kami ulit masagot. Napansin ko na parang mga OJT sila kaya siguro.

Club Balai Isabel ay may 3 swimming pools, isa malapit sa Restaurant and yung iba naman medyo malayong lakaran or pwede din sumakay sa e-car.

F2FCE264-AD93-4CE0-A819-0498015E0B2B89D95A84-99BE-4F37-AFC3-40D191FC6A1FA5BB3FA1-6086-48AC-94D7-53974B84FC137F3CE701-70F2-454E-8C79-14E9615FC899658E78AB-4711-4D7B-8D29-0C3033FBA05CNagpunta kami ng weekdays kaya siguro wala masyadong tao.

Beach/Lake. Gray sand siya at medyo madilim ang tubig. Hindi na kami nagswimming sa lake.

78DB4AB6-6C4F-4426-B299-765FA595655C

If you want adventure naman, may mga list din sila ng activities and rates.

38962DAF-8489-4ADB-9F26-6486DADE5B9A

Nothing to worry about baby basta kumpleto gamit niya. 🙂

6772D087-3E38-4661-8301-0E6C251056A5

Overall we enjoyed our stay, first pool experience ni baby. Kilala ang Club Balai Isabel dahil sa mga kilalang artista na kinasal dito noon, pero dahil na din siguro sa tagal na nito mapapansin na luma na ang mga rooms at hindi masyadong trained mga staff about product knowledge. Very hospitable naman staff nila dahil palagi ka nila babatiin.

Hope makatulong sa trip niyo ang experience namin! Apir!

FF9C0C44-2941-43C5-B7C7-69ED499DDD4C

 

Published by Mommy Jen

Minimalist, practical, always Keeping the Faith, Loves nature, travel and Family!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: