How I became a Flight Attendant, after failing Assessment Day Twice!

“Try lang ng try!” “Never lose hope” “Baka hindi para sayo” Eto ang madalas mong maririnig na payo sayo ng mga tao sa paligid mo after magfail sa interview. And YES I failed TWICE during assessment day for Cabin Crew sa same Airline company.

Bakit ko nga ba gusto maging Flight Attendant?

– Makakatravel ng libre (no.1 reason ng karamihan ^_^)

– Maganda uniform

– Sa Pilipinas pag sinabing Flight Attendant “Wow”

– Madaling trabaho (hmmm..) na malaki sweldo

At dahil sa mababaw kong mga dahilan, hindi ko napaghandaan ang assessment. Hindi pala ganun KADALI!

Sabi nga nila may hinahanap ang mga airlines na sila lang nakakaalam. Kahit super ganda, super tangkad and mukhang flight attendant na, walang kasiguraduhan na ikaw ay papasa. Kaya naman nilista ko lahat ng ginawa ko para makapasa sa PANGATLO kong pagkakataon.

Stages of Application:

-Apply online or Open days

-Online Assessment and Interview

-Assessment Day and Interview

(Depende sa Airlines)

TIPS:

Application

Picture. Iba- iba ang standard ng picture ng airline. Sundin lang ang standard ng airline na gusto mo pasukan. Kailangan maayos ang damit, pormal at naka make up. Natural make up lang. Eto ang unang makikita ng employer kaya paghandaan mabuti ang picture na isesend sa kanila.

 

Be Prepared. Nung una kong application, normal na pang interview lang and sinuot ko, pero nung third time ko, bumili ako talaga ng bagong damit, pero if out of budget pwede na kung anong meron basta malinis plantsado and yung pangmalakasan niyo!

Online Assessment

Join Online Forums. Mga forums tungkol sa mga experiences ng iba sa Assessment day. May mga forum sa internet na pwede salihan para malaman mo mga dapat paghandaan. Naging malaking tulong ito sa akin lalo na sa stage by stage development ng application ko. Pare-pareho kasi kayo minsan ng sitwasyon, dahil dito, maaring maging guide mo mga experiences nila lalo na yung mga natanggap na.

Research. Nagumpisa ko magsearch sa internet ng tungkol sa company na inaaplyan ko. Nagsearch din ako ng mga definition at kung ano ang trabaho ng isang flight attendant. Mas maganda na alam mo ang job description ng inaapplyan mo at kung talagang eto ang gusto mong trabaho.

Practice. Karamihan sa airlines ngayon may Online Assessment muna. May time limit bawat stage kaya mas mabuting magpractice muna bago mo umpisahan ang pagsagot.

*Online Assessment (English Test, Math Test Comprehensive Test and Video Interview)

Gumawa ako ng listahan ng mga posibleng tanong sa mga interview ng Flight Attendant at unti-unti ko sinagutan.

Ilan sa mga kadalasang tanong ay:

-Why you want to become a Flight Attendant?

-If you really want to become a Flight Attendant why us? why not other airlines?

-Describe yourself

-How long are you planning to stay with us?

-Why (airlines name)?

-What is a Flight Attendant?

*tip- search and collect all the best answers, then compose your own version.

Assessment Day and Interview

Be on Time. Napakahalaga ng TIME sa mga airlines. Kaya naman maganda na maaga sa interview, dahil “first impression last”. Tandaan, na pagdating mo pa lang inoobserbahan ka na nila. Kaya always smile and relax!

Group Activities. May group activities sa assessment day, kung saan madalas mabawasan ang mga applicants, kaya do your best. Hindi kailangan na ikaw palagi ang magsasalita, pero hindi din maganda na hindi ka magsasalita, balanse lang at pagbigyan din makapagsalita ang iba, always use: “may i suggest”, “maybe we can..” “what do you think”. Aknowledge din natin suggestion ng iba: “i like your idea (name)..”

Name. Kung may name badge na binigay ang interviewer during assessment day, palaging tawagin mo sa pangalan ang mga kasamahan mo. Lalo na sa group discussion.

*tips: Always remember na safety ang priority ng mga airlines. Iba iba ang pwede ipagawa sa group activity, just keep in mind: safety, survival and culture.

Role Play. Some airlines have role plays. Dito nila tinetest ang problem solving skills ng applicant, in case magka problema sa eroplano. Magsearch ng mga sample role play online.

*my experience was: The Hotel was fully booked and a walk in guest have a business meeting and need to stay in your hotel. What will you do? (my answer: call and book a room from other hotel near your hotel and arrange transfer)

other scenario: Coffee shop without sugar, you are alone serving, What will you do?

Interview. Stay calm and positive. Research ng mga tungkol sa company na inaapplyan. Magpractice ng mga answers. Check sample questions online. Always SMILE!

Sana makatulong mga tips na ito, na nakatulong sakin maging Flight Attendant. Always remember na kung hindi man ngayon, palaging may next time, pero “learn from your mistake and move forward”.

Good Luck! 🙂

F822F91E-651E-4C49-AAC5-815EEDE5B191

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Published by Mommy Jen

Minimalist, practical, always Keeping the Faith, Loves nature, travel and Family!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: